PDEA: Nakumpiskang shabu sa nakaraang 3 taon 'mas marami sa buong termino ni Aquino'
Ika-6 ng Enero nang sabihin ni Robredo na 1% lang ng kabuuang suplay ng shabu ang nakuha ng PDEA mula 2017 hanggang 2019.
The STAR/Joven Cagande, File

PDEA: Nakumpiskang shabu sa nakaraang 3 taon 'mas marami sa buong termino ni Aquino'

James Relativo (Philstar.com) - January 10, 2020 - 3:57pm

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency ang bilang ng shabu na kanilang nasabat simula nang maluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pumapapasinungaling daw sa naunang datos na inilabas ni Bise Presidente Leni Robredo.

Ika-6 ng Enero nang sabihin ni Robredo na 1% lang ng kabuuang suplay ng shabu ang nakuha ng PDEA mula 2017 hanggang 2019.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni PDEA spokesperson Derreck Carreon na nasa 6.43% at hindi 1% ang kabuuang suplay ng droga na kanilang nasabat: "We are not a failure."

"You want a comparison? The immediate past administration, the figure for this past six years is about 3.29 tons. Six years 'yun sir. And we are talking about 5.43 with this administration only a little over three years," ani Carreon.

"We must be doing something right sir."

Mali din daw ang sinabi ng dating co-chair ng  Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs na tatlong tonelada, o tatlong libong kilo ng shabu, ang nauubos ng mga adik sa buong bansa bawat linggo.

Una nang sinabi ni Philippine National Police spokesperson Bernard Banac na bagama't nanggaling sa pulisiya ang nasabing estimation, "theoretical" at "hypothetical" lang ito at hindi aktwal na mga bilang. 

"[T]heoretical lang 'yun at hypothetical consumption ng drug users," sabi ng tagapagsalita ng PNP.

Inilagay ni Carreon ang estimated consumption kada taon sa 23.74 tonelada.

Hindi rin ikinatuwa ng PDEA ang gradong ibinigay ni Robredo sa kanila, na inilagay sa "one over 100" ng ikalawang pangulo.

Ang ganitong pagmamaliit sa itinatakbo ng kampanya ay ikinalungkot din ni Banac at ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Nangyayari ang lahat ng ito sa gitna ng pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng madugong "war on drugs," na kumitil na ng libu-libong buhay sa ngayon.

LENI ROBREDO NOYNOY AQUINO PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY RODRIGO DUTERTE SHABU WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with