^

Bansa

'Unfair naman': Mayor Isko to the rescue sa batikos ni Robredo sa 'drug war'

James Relativo - Philstar.com
'Unfair naman': Mayor Isko to the rescue sa batikos ni Robredo sa 'drug war'
Dapat din daw maging maingat sa mga ganoong mga pahayag dahil maaari nitong mademoralisa ang kapulisan na nagsasakripisyo: "Medyo hindi lang ako kumportable."
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang kasalukuyang kampanya kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga rekomendasyon ni Bise Presidente Leni Robredo kahapon.

Kahapon, matatandaang sinabi ni Robredo na bigo ang madugong kampanya kontra iligal na droga dahil 1% lang daw ng kabuuang suplay ng shabu ang nasabat ng gobyerno mula 2017 hanggang 2019.

Binanggit din ni Robredo, na noo'y co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, na "1 over of 100" lang ang ibibigay niyang marka sa pagsusumikap ni Duterte kontra droga kung ito'y pagsusulit.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni Domagoso na hindi patas para sabihin na failure sa kabuuan ang ginagawang kampanya ng obyerno.

"Medyo unfair 'yun sa pagsusumikap na ginagawa dahil walang ibang kumumpronta rito maliban kay Presidente Rodrigo Roa Duterte," ani Domagoso sa Inggles.

"Unfair naman 'yon sa mga enforcement unit na naglalagay ng buhay nila sa alanganin para komprontahin ang mga indibidwal na handang pumatay."

Pagbabahagi pa niya, ilang linggo pa lang daw ang nakalilipas nang namatayan sila ng pulis Maynila dahil sa pagresponde sa anti-drug operasyon.

Dapat din daw maging maingat sa mga ganoong mga pahayag dahil maaari nitong mademoralisa ang kapulisan na nagsasakripisyo: "Medyo hindi lang ako kumportable."

"Kailangan nating bigyang halaga ang effort na inilalagay nila ang sarili nila sa alanganin, tapos magbibigay ka ng ganitong pahayag. Medyo alanganin lang."

Imbis na pasang-awa ang ibigay sa anti-drug efforts, sana'y bigyan daw ng "A for the effort" ang pamahalaan.

Kahapon, sinabi rin ni Robredo na dapat nang itigil ang marahas na pamamaraang iniuugnay sa Oplan Tokhang, bagay na nagresulta raw sa pagkamatay ng libu-libong katao habang kakaonti lang ang nasasawatang droga.

Binira din ni Lt. Gen. Archie Gamboa, Philippine National Police office-in-charge, ang pahayag ni Robredo.

"With all due respect, hindi ako sumasang-ayon... maling-mali ang mga pigura," sabi ni Gamboa.

— may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

FRANCISCO DOMAGOSO

ISKO MORENO

LENI ROBREDO

MANILA

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with