^

Bansa

Hero cop pinarangalan ni Duterte

Pilipino Star Ngayon
Hero cop pinarangalan ni Duterte
Sinaluduhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Senior Master Sergeant Jason Magno na nakahimlay sa kabaong matapos ang ginawang kabayanihan nang ipananggalang ang sariling katawan sa sumabog na granada na hawak ng isang lalaking amok. Nasa likod ng Pangulo si Sen. Bong Go na nagbigay-pugay rin sa bayaning pulis.

MANILA, Philippines — Binisita at pinarangalan ni Pangulong Duterte, kasama si Sen. Bong Go ang burol ng isang pulis na namatay matapos gawing pananggalang ang sariling katawan sa pagsabog ng granada na hawak ng isang lalaking amok sa loob ng isang college campus sa Initao, Misamis Oriental. 

Isang explosives and ordnance disposal specialist, ang biktimang si P/Senior Master Sergeant Jason Magno ay kabilang sa mga unang rumes­ponde sa pag-aamok ni Ibrahim Basher habang armado ng patalim at granada sa loob ng Initao College campus.

Tinangka ni Magno na payapain si Basher ngunit lalo itong nagwala.

Nakita ng pulis na ihahagis na sana ni Basher ang granada ngunit mabi­lis niya itong sinunggaban.

Nabitiwan ng suspek ang granada at para walang madamay na mga estudyante ay dinapaan ito ni Magno kaya sumabog sa kanyang katawan.

Napatay din nang pagbabarilin ng mga kasama ng bayaning pulis na si Magno si Basher. 

Sa burol, sa pamamagitan ng kanyang pamilya ay ginawaran ni Pangulong Duterte si Magno ng Order of Lapu-Lapu Magalong Medal at PNP Medal of Valor o Medalya ng Kagitingan. 

Ang kanyang pamilya ay binigyan din ng special financial assistance. 

Bago nagtungo sa burol ni Magno, binisita rin nina Pangulong Duterte at Senator Go si P/Senior Master Sergeant Alice B. Balido na nasugatan sa naturang insidente. 

Ginawaran si Balido ng Order of Lapu-lapu Kampilan Medal para sa kanyang matapat na serbisyo at financial assistance mula sa Office of the President. 

Iniutos ng Pangulo sa pamunuan ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng pamilya ng mga pulis na nakasama ni Magno sa insidente dahil sa posibleng pagresbak ng mga kasama ni Basher.

Inatasan rin ni President Duterte ang presidential staff na tulungan ang pamilya nina Magno at Balido para sa kanilang pangangailangang medikal at trabaho.

vuukle comment

HERO COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with