De-kalidad na healthcare tiniyak ni Sen. Go

MANILA, Philippines – Naniniwala si Sen. Christopher Lawrence  “Bong” Go na magkaka­roon na ngayon ng accessible at de-kalidad na healthcare ang bawat isang Pilipino makaraang maipasa at pirma­han ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ganap na batas ang Malasakit Center Act of 2019. 

‘Hindi na po kayo mahihilo, hindi na malilito at hindi na magpapalaboy-laboy upang makahingi lang ng tulong sa inyong pagpapagamot sa mga karamdaman,” pahayag ni Sen. Go.

Si Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health at nagsulong ng Malasakit Center Act ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya para maging ganap na batas ang kanyang panukala.

Sa ngayon aniya ay may garantiya na ang mga mahihirap na maysakit na may kakalinga at magmamalasakit sa kanila.

Muling inihayag ng Senador mula sa Davao City na hindi siya namumulitika dahil matagal na silang tumutulong ni Pa­ngulong Digong noong Alkalde pa lamang ang Chief Executive.

Sa ngayon, sa halip na magtungo sa iba’t ibang government offices ang mga mahihirap na maysakit ay magpunta na lamang sila sa “one stop shop” na Malasakit Center na nasa iba’t ibang pampublikong pa­gamutan at sila ay tutulungan ng mga tauhan ng PCSO,  DOH, DSWD at PhilHealth.

“Ang target nito, zero balance. Basta ikaw ay Pilipino, qualified ka. Meron din itong express lane para sa mga senior citizens at people with disabilities (PWDs),” sabi pa ni Sen. Go.

 

Show comments