Duterte sa ICC: ’Di n’yo ko kayang litisin

“You know, we have repudiated the International Criminal Court. And I said, you cannot prosecute me for a thousand years,” sabi ng Pangulo kamakalawa sa pagdiriwang ng Bonifacio Day.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Kahit sa loob ng libong taon ay hindi kayang litisin si Pa­ngulong Duterte ng International Criminal Court (ICC) dahil sa drug war.

“You know, we have repudiated the International Criminal Court. And I said, you cannot prosecute me for a thousand years,” sabi ng Pangulo kamakalawa sa pagdiriwang ng Bonifacio Day.

Aniya, mas matalino siya kaysa sa mga taga-ICC.

“Lumabas through me, I admit. Hindi nila ako maku... Mas bright ako sa kanila,” dagdag ng Pangulo.

Inireklamo ng crimes against huma­nity ang Pangulo sa ICC kaugnay sa drug war.

“Kayong mga abogado, wala man ka­yong makitang extrajudicial killing. There’s no such a crime as extrajudicial killing. They will individually count the dead and charge it to you. O ‘di sige tingnan natin,” sabi pa ng Pangulo.

Kinuwestyon din ng Pangulo ang legalidad ng ratification ng Rome Statute dahil hindi naman ito nalathala sa Official Gazette, kaya hindi ito naging batas.

“That is a law. It has to pass Congress, as with Congress concur in treaties. Kasi its concurrence then ipasa mo sa Presidente. And Erap (former President Joseph Estrada) signed it. But the problem is eager masyado sila,” giit pa ng Pangulo.

“It’s not a law. It was not published. It was not forward... It was not given back to Erap. After signing then Erap should send it. Wala,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

“Ako 75 lang grades ko pero I’d love to have a debate with these idiots. I hope someday. Ipakita ko sa kanila kung paano sila naging bobo. Totoo. Kaya huwag kayong matakot diyan sa mga kaso-kaso. Hindi ‘yan marunong. Pagdating niyan sa korte, sayaw-sayawan ko pa ng Pandanggo ‘yan,” hamon pa ng Pangulo.

Show comments