Seniors, PWDs, students ilibre sa SEA Games - Palasyo

MANILA, Philippines — Isusulong ng Palasyo sa organizers ng Southeast Asian (SEA) Games na ilibre o bigyan ng 50 percent discount ang mga estudyante na nais manood ng mga laro upang makapagbigay din ang mga ito ng suporta sa mga Filipino athletes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit ang mga person with disabilities at senior citizen ay dapat na ring ilibre sa entrance kung manonood ito ng mga laro sa SEA Games.

Nabatid na kaya nagpataw ng bayad sa tic­kets ang mga organizers ng SEA Games ay upang makalikom ito ng pera para sa maintenance ng mga sports venues.

Hiniling ni dating Bacolod City Rep. Monico Puentevella na kasalukuyang pangulo ng Samahan ng Weightlifting sa Pilipinas (SWP) kay Pangulong Duterte na atasan ang Phisgoc na ilibre na lamang ang tickets sa mga Filipino na gustong manood ng mga sports event upang magbigay din sila ng suportang moral sa mga Pinoy na atleta.

“Since we are using billions of government funds, why are we still commercializing the Games? Aren’t these billions enough? How can we avail of the home court advantage in this manner,” sabi ni Puen­tevella.

Show comments