Leni ‘di kailangang dumalo sa Cabinet meeting - Palasyo

MANILA, Philippines – Hindi na kailangang dumalo sa Cabinet meeting si Vice-President Leni Robredo kung wala sa agenda ng pulong ang drug war, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“I will invite her (Robredo) as long as it is about her drug operations. But if not, no need to invite her,” sabi ni Pangulong Duterte kay Sec. Panelo.

“The President told me that. She should be happy,” paliwanag ni Panelo na sinabing maswerte si Robredo dahil hindi na niya kailangang mapuyat sa pagdalo ng Cabinet meeting.

Magugunitang tinanggap ng bise-presidente ang alok ng Pangulo na maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) na may Cabinet rank.

Inalok ng Pangulo na maging drug czar dahil sa patuloy na pagpuna nito sa madugong drug war ng gobyerno.

 

Show comments