Dinalaw at kinausap ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas si Kidapawan City, North Cotabato Mayor Joseph Evangelista sa Mindanao at personal na inabot ang financial assistance para sa mga biktima ng lindol doon. Inalam din kung ano pa ang maitutulong ng Palayan City sa mga nasa evacuation center.
Tulong ng Palayan City sa Mindanao nagpapatuloy
(Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa donasyong 30 toneladang bigas noong Huwebes, personal namang inabot kahapon ni Pa­layan City Mayor Rianne Cuevas ang tig-kalahating milyong pisong cash sa mga Alkalde ng Makilala at Kidapawan North Cotabato para sa mga biktima ng lindol doon.

Malugod namang tinanggap ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang pera mula sa pamilya ni Mayor Cuevas na gagamiting pandagdag sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa nasabing lungsod.

Laking pasasalamat naman ng staff ni Makilala­ Mayor Armand Quibod sa cash na galing sa pamilya ni Cuevas. Nasa Davao City si Quibod ng duma­law si Mayora Cuevas sa lugar.

Dinalaw din ni Cuevas ang Evacuation Centers ng dalawang lugar para personal na alamin kung ano pa ang mga kailangan ng mga biktima.

Bago umalis ay nangako ang Mayora na hin­ding-hindi magsasawa ang Palayan City sa pagtulong sa mga lugar na may biktima ng kalamidad.

 

PALAYAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with