Kabilang sa humarap kahapon sa Department of Justice sina Antipolo Police MSgt. Donald Roque at Rommel Vital at Cpl. Romeo Encarnacion Guerrero Jr. na kabilang sa 13 dating pulis sa Pampanga na inakusahang nang-umit ng 160 kilo ng shabu na nakumpiska sa isang operasyon noong 2013 laban sa isang hinihinalang Chinese drug lord.
Kuha ni Edd Gumban
3 Antipolo ninja cops dinismis na!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Dinismis na sa serbisyo ang tatlong “ninja cops” na nasangkot sa kontrobersyal na anti-illegal drug operation sa Antipolo City, Rizal noong Mayo ng taong ito.

Sa press briefing, sinabi ni Philippine Na­tional Police (PNP) Of­ficer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa na ni­lagdaan na niya ang dismissal order laban sa mga pulis na nasangkot sa maanomalyang drug raid.

 Kinilala ang mga pinatalsik sa serbisyo na sina Master Sergeant Donald Roque, Master Sergeant Rommel Vital at Corporal Romeo Guerrero.

Ang tatlo kasama si Police Lt. Joven de Guzman ay inirekomendang madismis sa serbisyo ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kaugnay ng Antipolo City drug raid  na nagsimula sa panghaharang ng nasabing mga pasaway na parak sa isang motorista sa checkpoint sa lungsod noong Mayo ng taong ito.

Ang biktima ay pinaharurot ang behikulo matapos itong umiwas sa checkpoint kung saan ay sinundan ito ng grupo ng nasabing mga pulis na ni-raid ang bahay ng nasabing motorista.

Kaugnay nito , pinatawan ni Gamboa si de Guzman ng 59 araw na pagkakasuspinde  bunga ng kontrobersyal na isyu.

Nabatid na ang apat na pulis na itinalaga sa Antipolo City ay galing sa Mindanao matapos na hilingin ng Prosecutor’s Office ng Pampanga  na maibalik ang mga ito upang madaling maiprisinta sa korte sa pag­lilitis ng mga kasong kanilang kinakaharap.

Sa rekord, nabatid na sina Roque, Vital at Guerrero ay nasangkot din sa anti-illegal drug raid noong Nobyembre 2013 sa Pampanga kung saan naganap ang drug recycling sa Mexico, Pampanga nang panahong iyon.

NINJA COPS PHILIPPINE NA­TIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with