Kabilang sa mga napatawan ng kaparusahan ay nasa 2, 806 personnel na nadismis sa serbisyo, 535 ang na-demote ng ranggo; 4,721 ang nasuspinde, 762 ang na-reprimand, 60 ang restricted to quarters, 208 ang ti­nanggalan ng suweldo at 80% ang natanggalan ng mga prebilihiyo.
PIO NCRPO Facebook
Mahigit 9,000 pulis nasibak
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Sa ilalim ng Duterte gov’t

MANILA,Philippines — Umaabot sa mahigit 9,000  mga tiwaling pulis ang natanggal sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP) matapos na mapatuna­yang guilty sa kasong administratibo sa ilalim ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte  simula noong 2016 kaugnay ng determinadong internal cleansing program ng organisasyon.

 Ito ang inihayag ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Colonel Archie Gamboa sa pagharap nito sa  media kahapon.

Sinabi ni Gamboa na simula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 20, 2019, aabot sa kabuuang 9,172 pulis o nasa 4.7 % ng kabuuang PNP personnel na aktibo sa serbisyo ang napatawan ng kaparusahan sa kasong administratiba kaugnay ng pagkakasangkot sa samut-saring kasong kriminal at paglabag sa patakaran gayundin sa regulasyon ng PNP.

Kabilang sa mga napatawan ng kaparusahan ay nasa 2, 806 personnel na nadismis sa serbisyo, 535 ang na-demote ng ranggo; 4,721 ang nasuspinde, 762 ang na-reprimand, 60 ang restricted to quarters, 208 ang ti­nanggalan ng suweldo at 80% ang natanggalan ng mga prebilihiyo.

Sa kabuuang 2,806  nadismis na mga pulis, 454 dito ang sangkot sa ilegal na droga; 352 ang napatunayang positibo sa paggamit ng ilegal na droga; 102 ang sangkot sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with