Pumanaw si Pimentel sa edad na 85 taong gulang dahil sa sakit na lymphoma, isang uri ng cancer.
Geremy Pintolo
Pimentel paparangalan
Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nakatakdang dalhin bukas (Miyerkules) ang mga labi ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa Senado kung saan paparangalan siya at aalalahanin ng mga nakasamang senador ang mga nagawa niya noong nabubuhay pa siya.

Pumanaw si Pimentel sa edad na 85 taong gulang  dahil sa sakit na lymphoma, isang uri ng cancer.

Simula kamakalawa ay naka half-mast ang bandila sa harap ng gusali ng Senado bilang simbulo ng pagluluksa.

Pangungunahan ang necrological service ni Senate President Vicente Sotto III kung saan dadalo ang mga kasalukuyan at dating senador.

Nakikidalamhati rin ang mga miyembro ng Kamara sa pagpanaw ni Pimentel.

Ginunita ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano si Pimentel bilang masigasig na nagtulak sa federalism at mala­ki ang naiambag sa ban­sa sa pamamagitan ng matagal at tapat na pagseserbisyo.

Ayon naman kay Ba­gong Henerasyon party­list Rel. Bernadette Herrera, si Pimentel din ang nasa likod ng partylist system dahil sa kanyang naisin na marinig ang mas maraming boses ng mga Pilipino.

AQUILINO “NENE” PIMENTEL JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with