Pangulong Duterte biyaheng Japan ngayon

Ayon kay Sen. Bong Go, inimbitahan ng Ja­panese government si Pangulong Duterte para sa koronasyon ni Prince Naruhito.
File

MANILA,Philippines — Magtutungo ngayon sa Japan si Pangulong Duterte upang saksihan ang pormal na pag-upo sa trono ng bagong emperador ng nasabing bansa.

Ayon kay Sen. Bong Go, inimbitahan ng Ja­panese government si Pangulong Duterte para sa koronasyon ni Prince Naruhito.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi dadalo ang Pangulo sa nasabing okasyon dahil sa napakaabala nitong schedule at baka magpadala na lamang ng kinatawan.

Sa darating na Oktubre 22, kokoronahan si Naruhito sa harap ng mga dignitaries mula sa 190 mga bansa.

Show comments