"Hindi tama na mas malaki ang napupunta sa pasweldo, sa maintenance and operating expenses habang kulang ang tulong sa farmers."
The STAR/Geremy Pintolo, File photo
Matapos mabira, Villar ipinaliwanag ang pagkwestyon sa agri research funds
James Relativo (Philstar.com) - October 10, 2019 - 4:28pm

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag si Sen. Cynthia Villar tungkol sa kanyang pahayag kahapon habang ginigisa ang Department of Agriculture para sa kanilang panukalang 2020 budget.

"Ang gusto natin mas malaki ang mapupuntang budget sa projects dahil iyon ang nakakatulong sa mga tao," sabi ni Villar, na chair ng Committtee on Agriculture and Food, ngayong Huwebes.

"Hindi tama na mas malaki ang napupunta sa pa-sweldo, sa maintenance and operating expenses habang kulang ang tulong sa farmers."

Umani ng batikos ang senadora noong Miyerkules matapos niyang kwestyunin ang desisyon ng DA na maglaan ng P150 milyon ng kabuuang P1.2 bilyong panukalang budget para sa research ng corn program. 

"Bakit parang lahat ng inyong budget puro research? Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin ninyo ba 'yung research?" sabi niya kahapon sa budget hearing.

Dagdag niya, "matalino" naman siyang tao pero hindi niya maintindihan ang research ng DA, lalo na ng magsasaka.

Pinaalalahanan niya ang mga opisyal ng Kawanian sa Agrikultura, na pinamumunuan ni Secretary Wiliam Dar, na hindi dapat gumastos lampas sa 50% ng kanilang pondo para sa overhead at operating expenses.

Ito'y para raw masigurong mas malaking pera ang mailalan para sa mga bagay na tunay na makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda upang mapataas ang kanilang produktibidad.

"Hindi ba mas gustong magsasaka na makatanggap ng libreng seeds at machinery? Bakit hindi tayo gumastos para doon?" sabi niya.

Imbis na sa burukrasya mauwi ang pera ng gobyerno, mas maganda raw na direktang sa mga proyekto ito ilaan.

Sa pagdinig, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayan na ni-recast ang pondo ng programa para maisalamin ang mungkahi ni Villar na mas gastusan ang mga proyekto.

Sa huli't huli, hindi raw makatutulong ang research kung "wala itong aplikasyon na makatutulong sa mga magsasaka."

2020 BUDGET CYNTHIA VILLAR DEPARTMENT OF AGRICULTURE RESEARCH FUNDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with