Drug lord sa Bilibid itapon sa WPS- solon

MANILA, Philippines — Pinatatapon ni ACT-CIS Rep. Nina Taduran sa West Philippine Sea (WPS) ang mga bigtime drug lord na nasa New Bilibid Prisons (NBP) para hindi na mabigyan pa ng special treatment.

Paliwanag ni Taduran, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may special treatment sa loob ng NBP ang bigtime drug lord tulad ng pagmamay-ari ng “kubols” at iba pang mararangyang pamumuhay na wala ang mga ordinar­yong preso.

Bukod dito naipagpapatuloy din umano nila ang kanilang mga illegal na gawin sa loob ng kulungan sa pamamagitan ng cellphone at panunuhol sa mga prison guards at officials.

Bilang radikal na solusyon umano ay dapat dalhin ang mga bigtime drug lords kung saan walang cellphone signal, walang guards na masusuhulan at walang paraan para makatakas dahil ila­lagay sila sa isang isla sa WPS.

Show comments