Kaltas sa suweldo ng government workers lilimitahan

Nakasaad sa “Minimum Take Home Pay Act” na hindi dapat bumaba sa 40% ang maiuuwing suweldo ng isang empleyado sa loob ng isang buwan.
File

MANILA, Philippines — Upang matiyak na hindi mauubos sa utang, nais ni Sen. Leila de Lima na limitahan ang kakaltasin sa suweldo ng isang empleyado ng gobyerno.

Nakasaad sa “Minimum Take Home Pay Act” na hindi dapat bumaba sa 40% ang maiuuwing suweldo ng isang empleyado sa loob ng isang buwan.

Sinabi ni de Lima na maraming empleyado ng gobyerno ang kinakapos at napipilitang mangutang kahit pa mataas ang tubo.

Pero dahil walang pumipigil sa pangungutang, kalimitan ay wala ng naiuuwing suweldo ang isang empleyado.

Binanggit ni de Lima ang kautusan ng Department of Education (DepEd) na nagtakda ng minimum take home pay na P5,000 para sa mga guro kasabay ang paglimita sa payment deductions mula sa kanilang suweldo.

Sa panukala, bukod sa hindi dapat bumaba sa 40% ng suweldo ang take-home pay ng isang em­pleyado uunahin ding kaltasin ang para sa BIR, GSIS, Home Development Mutual Fund at PhilHealth.

Bibigyan din ng prayoridad ang kaltas sa mutual benefits associations, thrift banks at non-stock savings at loan associations ng pinapatakbo para sa benepisyo ng mga government employees; associations o coope­ratives na inorganisa at pinapatakbo ng mga government employees.

Show comments