‘Ineng’ lumakas pa

Alas-11:00 ng umaga kahapon, ang sentro ni Ineng ay namataan ng PAGASA sa layong 500 kilometro silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Ineng habang nasa hilagang kanlurang bahagi ng bansa.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, ang sentro ni Ineng ay namataan ng PAGASA sa layong 500 kilometro silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Taglay ni Ineng ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 115 kph.

Nakataas ang Signal number 2 sa Batanes at Signal number 1 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Hindi magla-landfall si Ineng at inaasahan na lalabas ng bansa ngayong Sabado ng gabi.

Show comments