13 convicts na tumestigo vs De Lima lalaya rin?
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng mapalaya  rin ang 13 convicts na tumestigo kay Senador Leila De Lima na ngayon ay nakakulong sa Camp Crame kasabay ng pahayag na hindi ito ‘ reward’.

Ayon kay  Justice Secretary Menardo Guevarra, ang sinumang nakulong bago ang 2013 ay sakop ng  recomputation  ng Good Conduct Time Allowance. Sakaling kuwalipikado ang 13 convicts, posibleng mapalaya rin ang mga ito.

Nilinaw ni Guevarra na ang batas ang magpapalaya sa mga convicts at hindi ang Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga convicts  na tumestigo laban kay De Lima at ngayo’y nakakulong sa New Bilibid Prison dahil sa illegal drug trade ay sina Nonilo Arile, convicted sa murder at kidnapping; Jojo Baligad, convicted sa murder; Herbert Colanggo, convicted sa kasong robbery with homicide; Engelberto Durano, convicted sa kasong  frustrated murder at murder; Rodolfo Magleo, convicted sa kidnapping for ransom; Vicente Sy, convicted sa kasong  illegal sale and deli­very of methamphetaminehydrochloride (shabu); Hans Tan, convicted sa robbery at direct assault with murder; Froilan Trestiza, convicted sa kasong kidnapping; Peter Co, convicted sa illegal sale kasong delivery of metham­phetaminehydrochloride (sha­bu); Noel Martinez, convicted sa kidnapping for ransom; Joel Capones, convicted sa homicide; German Agojo, convicted sa illegal sale and deli­very of me­thamphetamine hydrochloride (shabu) at Jaime Patcho, convicted sa kidnapping for ransom.

DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with