^

Bansa

LPA ganap nang isang bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LPA ganap nang isang bagyo
Alas-11:00 ng umaga kahapon, ang bagyong Ineng ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 930 kilometro ng silangan ng Virac habang patuloy ang pagkilos sa may kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isa na ngayong ganap na bagyo na tinawag na bagyong Ineng  ang isang low pressure area na nasa Virac, Catanduanes.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, ang bagyong Ineng ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 930 kilometro ng silangan ng Virac  habang patuloy ang pagkilos sa may kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

 Taglay ni Ineng ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa  70  kilometro bawat oras.

Si Ineng ay magdudulot ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na minsa’y malakas na ulan  sa buong Bicol Region at Eastern Visayas.

Ngayong Huwebes ng gabi, si Ineng ay inaasahang nasa layong 720 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at sa Biyernes ay inaasahang nasa layong 330 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes at sa Sabado ng gabi ay inaasahang nasa 265 kilometro ng hilaga ng Basco.

Inaasahang lalabas sa ating bansa si Ineng sa Linggo ng gabi.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with