Honest, incorruptible bagong depinisyon ng ‘na-duterte’

MANILA, Philippines – Kung binigyan ng kahulugan ng online Urban dictionary ang salitang ‘naduterte’ na ‘naloko’ o naisahan ng isang traditional politician ay maglalabas naman ng ibang kahulugan dito ang Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa magiging bersyon ng Palasyo ang magiging kahulugan ng ‘na-duterte’ ay honest, incorruptible, politically willed person, courageous, selfless at transparent.

Sabi ni Panelo, hindi naman malinaw na ang tinutukoy na Duterte sa urban dictionary ay si Pangulong Duterte o sinumang miyembro ng Duterte family.

Aniya, itatanong niya sa Pangulo kung ano magiging reaksyon nito sa salitang naduterte sa online Urban dictionary.

Show comments