"[A]ng mga magpapalay natin baon sa utang at hikahos lalo... tuwing may disaster," sabi ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang pahayag Martes.
File
'Crop insurance' kontra sakuna itinulak sa Senado para sa rice farmers
James Relativo (Philstar.com) - August 20, 2019 - 2:12pm

MANILA, Philippines — Upang maibsan ang epekto ng mga sakuna sa mga nagbubungkal ng lupa, layon ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan na obligahin ang National Food Authority na bigyan ng insurance ang lahat ng magsasakang nagtatanim ng palay at iba pang pananim na importante para sa seguridad sa pagkain.

"Di mabubuhay ang Pilipino nang walang bigas. Pero ang mga magpapalay natin baon sa utang at hikahos lalo... tuwing may disaster," sabi ni Pangilinan sa isang pahayag Martes.

Layon ng Senate Bill 35, o Expanded Crop Insurance Act of 2019, na amyendahan ang mga kasalukuyang batas dahil tanging 'yung mga kumukuha ng production loans lang daw ang binibigyan ng crop insurance.

"Isang pansagip sa kanila ay ang magkaroon sila ng crop insurance. Ito ay isa sa ating mga panukala para maiahon ang mga nagpapakain sa atin," dagdag niya.

Ito ang isinasaad ng naturang panukala:

"Participation in the insurance for palay and other crops determined to be essential for food security shall be compulsory upon all farmers.

"In case farmers are financially incapable, the National Food Authority (NFA) shall secure crop insurance for them."

Kabilang sa kailangang tiyakin ng NFA para sa mahihirap na magsasaka ay ang insurance premium kung sa magiging benepisyaryo sila ng proceeds ng hindi bababa sa 50% para sa lahat ng iba pang pananim.

Sabi ni Pangilinan, kahit na 25% ng lahat ng trabaho ay nanggaling sa agrikultura ay magsasaka pa rin daw ang pinakamahihirap sa Pilipinas.

Lumalabas na may pinakamataas na poverty incidence ang mga magbubukid sa 34.3%, ayon sa mga datos ng pinagsamang Family Income at Expenditure Survey and Labor Force Survey noong 2015. 

Matatandaan ang pag-aray ng maraming magsasaka ng palay bunsod ng pagbaba ng farm gate prices matapos ipatupad ang Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na magbibigay sila ng P1.5 bilyong pautang sa mga magsasaka upang mabawasan ang impact ng pagbagsak ng mga presyo.

Makatatanggap naman ng P5 milyong halaga ng farming equipment at makinarya ang 947 rice-producing towns taun-taon matapos likhain ng RA 11203 ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.

Kasama sa mga nabanggit ang tillers, traktora, seeders, threshers, rice planters, harvesters at irrigation pumps.

AGRICULTURE CROP INSURANCE FARMERS KIKO PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with