_ngayon
^
Aktibistang kinidnap daw ng Kaliwa lumutang sa FB, 'hindi naman nawawala'
Matatandaang iniharap ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa kahapon si Relissa Lucena, ina ng nabanggit, sa pagdinig ng Senado tungkol sa diumano'y pagkawala ng kanyang anak matapos sumapi sa militanteng grupo.
Twitter/College Editors Guild of the Philippines

Aktibistang kinidnap daw ng Kaliwa lumutang sa FB, 'hindi naman nawawala'

(Philstar.com) - August 8, 2019 - 4:27pm

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng isang kabataang aktibista ang mga inilutang na paratang kahapon sa isang committee hearing tungkol sa mga "nawawalang menor de edad" na ni-recruit diumano ng mga maka-Kaliwang grupo.

Matatandaang iniharap ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa kahapon si Relissa Lucena, ina ng nabanggit, sa pagdinig ng Senado tungkol sa diumano'y pagkawala ng kanyang anak matapos sumapi sa militanteng grupo.

Pero kaninang umaga, tumungo sa social media ang isa sa limang diumano'y "kinidnap" upang pasinungalingan ang mga sinabi sa pagdinig.

"Muli, hindi po ako nawawala o nakidnap," sabi ng anak ni Lucena sa Facebook Huwebes.

Aniya, nagpasya lang daw siyang umalis ng bahay sa sariling kagustuhan matapos i-"house arest" ng isang buwan ng magulang dahil sa kagustuhang maglingkod sa bayan: "That was so traumatic."

Kaiba rin sa mga sinabi ng mga senador kahapon, 18-anyos na rin daw ang nakababatang Lucena at hindi na menor sabi ng kanyang grupo kanina.

"Muli, I joined Anakbayan voluntarily, I was never coerced to do things na hindi ko gusto o gumawa ng bagay na beyond sa aking pagpapasya," wika niya.

"Sumapi kami ng organisasyon dahil gets namin ang kalagayan ng bayan at ang kawalan ng karapatan ng marami gawa ng kabulukan ng gobyerno."

Una nang naghain si Dela Rosa ng Senate Resolution 38 upang magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa mga nawawala at nirekluta bilang mga "members and fighters."

Inirekomenda rin kahapon ng komite na hayaang makapasok sa mga eskwelahan ang mga pulis upang silipin kung napapasok ito ng mga recruiter na hindi naman estudyante.

Tanong ng PNP: 'Nasaan ang mga anak?'

Kanina, hinamon ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang grupong nabanggit na sagutin ang akusasyon ng mga ina ng Polytechnic University of the Philippines, Far Eastern University at University of the East students na pare-parehong sumali sa nasabing organisasyon.

"[B]akit di nila sagutin isa-isa 'yung sinasabi ng mga magulang kahapon? 'Yun ang challenge natin sa kanila, sagutin nila at sabihin nila nasaan 'yung mga anak ng magulang na umiiyak at nagdadalamhati?" sabi ni Albayalde sa ulat ng GMA News.

"Bakit kami ang sinasabi nila? Bakit kami ang may sala dito? Hindi po kami."

Sinabi kahapon ni Lucena sinadya niya noong i-enrol ang anak sa FEU upang mailayo sa mga left-leaning groups.

Pero nagulat na lang daw siya nang sumasali na raw ang anak ng protesta sa unang linggo pa lang ng klase, hanggang sa ginagabi at hindi na raw at umuuwi ang bata.

Dahil dito, nagsumbong na raw si Lucena sa eskwelahan at mga pulis. 'Di lumaon, sinabi ng estudyante na siya'y "full-time" na.

Tumutukoy ang terminong full-time, o "FT," sa mga aktibistang naglalaan ng buong oras sa pagkilos, dahilan para iwanan nila ang pag-aaral o pagtratrabaho.

Ilang beses na raw niyang pinauuwi ang anak ngunit tumatanggi nang bumalik.

"Nakita ko siya may hawak na placard, ang dugyot niyang tignan, naka-tsinelas lang. Yung anak ko halos ayaw kong padapuan ng langaw tapos ganun ang gagawin nila," sabi pa ni Lucena.

Pero ito naman ang paliwanag ng kanyang anak kung bakit niya ito ginawa: "Sumali ako at nagpasyang buong panahong kumilos dahil gusto kong ilaan ang aking oras at panahon para isulong yung makabuluhang pagbabago."

'Hindi brainwashed'

Samantala, muli namang iginiit ng estudyante na hindi sila basta nalansi ng sinalihan.

"It's really painful and outrageous na inaaccuse ako, kami, nila Bato at ng mga cohorts ni Duterte na 'brainwashed.' Hindi yan totoo," sabi niya.

Panawagan pa ng batang Lucena, huwag gamitin ng Armed Forces of the Philippines, PNP at "rehimeng Duterte" ang kanilang pamilya para sa kanilang agenda.

"Sinusuko niyo ang kalayaan ng bansa para sa dayuhan. You kill peasants, workers, urban poors left and right! Lubog sa kahirapan ang masang Pilipino habang kumikita ng malaki ang mga kronis ninyong mayayaman."

Imbis na ipresenta raw siya bilang ignorante, dapat pa nga raw kastiguhin ang gobyerno sa kanilang ginagawa sa bayan. — James Relativo

ACTIVISM MISSING MINORS RONALD DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with