Ayon kay Col. Noel Detoyato ng AFP Public Affairs Office, simula noong Biyernes ay itinaas na nila sa red alert status ang buong AFP bilang paghahanda sa SONA ng Pangulo.
Miguel De Guzman
AFP red alert sa SONA
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa red alert status ang kanilang puwersa bilang paghahanda sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ngayong araw.

Ayon kay Col. Noel Detoyato ng AFP Public Affairs Office, simula noong Biyernes ay itinaas na nila sa red alert status ang buong AFP bilang paghahanda sa SONA ng Pangulo.

Nangangahulugan ito na nasa standby mode na ang buong tropa ng militar para tumulong at sumuporta sa Philippine National Police (PNP) na siyang mangunguna sa security efforts ngayong araw.

Nilinaw naman ni De­to­yato na wala silang na­momonitor na anumang banta mula sa mga local terro­rist groups. Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nakaalerto at nakahanda sa anumang banta ng kaguluhan sa National Capital Region (NCR) kung saan nandoon ang mga ahensiya ng gobyerno.

Nanawagan naman si Detoyato sa AFP sa publiko na i-report sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang galaw ng mga inbidiwal sa kanilang paligid lalo na ang mga nagsasagawa ng aktibidad habang nasa kasagsagan ng SONA ang Pangulo.

Umaasa naman siya na magiging ligtas, ma­payapa at matagumpay ang 2019 SONA ni Pa­ngulong Duterte ngayong araw ng Lunes.

2019 SONA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with