Presyo ng petrolyo tataas uli

Sa anunsyo ng UniOil, posibleng tumaas ang pres­yo ng diesel ng mula P.65 hanggang P.75 kada litro at ang gasolina mula P1 hanggang P1.10 kada litro.

MANILA, Philippines — May nakaambang pagtaas na naman sa presyo ng petrolyo sa darating na linggo kung saan nauna nang naghayag ng oil price increase ang UniOil Philippines kahapon.

Sa anunsyo ng UniOil, posibleng tumaas ang pres­yo ng diesel ng mula P.65 hanggang P.75 kada litro at ang gasolina mula P1 hanggang P1.10 kada litro.

Ito umano ang pagtataya ng mga oil experts base sa galaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado mula nitong Hulyo 16-22.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), nag­lalaro ngayon ang presyo ng gasolina mula P46.10 hanggang P56.49 kada litro depende sa lugar at ang diesel mula P38.84 hanggang P43.60 kada litro.

Nabatid din na nasa P5.15 kada litro na ang itinataas sa gasolina mula nitong Enero, P3.30 sa diesel at P1.75 sa kerosene.

Show comments