"We appreciate your approach," sabi ni US ambassador Sung Kim habang nasa courtesy call kasama si Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso.
Released/Manila Public Information Office
US embassy pinuri ang tindig ni Mayor Isko sa 'drug war,' tinawag na 'total rockstar'
James Relativo (Philstar.com) - July 12, 2019 - 12:46pm

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pag-angkop ng United Nations Human Rights Council sa resolusyong nag-uutos ng comprehensive review sa madugong gera kontra droga ng Pilipinas, pinuri naman ng embahada ng Estados Unidos ang "supportive" ngunit maingat na posisyon ng alkalde ng Maynila sa kampanya.

"We appreciate your approach," sabi ni US ambassador Sung Kim habang nasa courtesy call kasama si Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso Biyernes ng umaga.

(Pinahahalagahan namin ang iyong estilo.)

"You're dealing with it in a manner that is consistent with human rights and rule of law."

(Kinakaharap mo ito kasabay ng pagtatanggol ng karapatang pantao at mga alituntunin ng batas.)

Ika-3 ng Hulyo nang ipahayag ni Isko na pabor siya sa inilulunsad na gera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

'Yan ay kahit na napuna na ng UN Human Rights Office of the High Commissioner na umabot na sa 27,000 ang namamatay dahil dito.

Gayunman, nais pa rin naman daw niya itong ibalanse sa pagrespeto ng karapatang pantao.

"I made a commitment during the campaign that human rights must be respected. But our law enforcers also have human rights," wika niya.

(Noong kampanya, nangako akong gagalangin ang mga karapatan. Pero may karapatan din ang ating kapulisan.)

Hangga't kaya raw, sana ay arestuhin na lang ang mga drug suspect at iharap sa korte, kaysa patayin.

Kaugnay nito, inutusan na rin daw ni Manila Police District director Brig. Gen. Vicente Danao ang mga pulis na respetuhin ang due process ng mga suspek.

"But they have to fight back if drug suspects resist arrest," paliwanag ni Danao.

(Pero kailangan nilang lumaban kung umiwas sa pag-aresto ang mga inaakusahan.)

Ibinahagi rin ni Domagoso ang kanyang mga pulisiya kay Kim, mga pinahahalagahan at estilo ng pamumuno.

"Maraming dapat ayusin sa Maynila. Inuuna ko munang ayusin ang simbolo ng chaos," sabi ng alkalde.

Isinalarawan din ng ambassador bilang "dynamic" ang mayor, na kilala sa pagpapaluwang at paglilinis ng mga maruruming kalsada ng Maynila sa pamamagitan ng kanyang mga clearing operations.

"You are a total rockstar (Isa kang tunay na rockstar)," banggit pa ni ambassador Kim.

Sa kabila ng mga popular na gawi ni Isko, humaharap pa rin sa kontrobersiya ang kanyang pamamaraan na lubha raw nakaaapekto sa kabuhayaan ng mga manininda.

"Amid the euphoric mood and sustained media coverage, there has been limited discussion on the sentiments of the affected street vendors and the impacts of clearing operations on their insecure employment," sabi ni Dr. Redento Recio, urban planning expert mula sa University of Melbourne.

(Sa kabila ng kagalakan ng marami at patuloy na pag-cover ng media, kakaonti ang diskusyon sa sintemyento ng mga naaapektuhang maninida sa kalsada at epekto ng clearing operations sa kanilang kabuhayan.)

HUMAN RIGHTS ISKO MORENO SUNG KIM US EMBASSY WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with