^
Dodong palabas na ng PAR pero Habagat magdadala ng mga pag-ulan
Ngunit kahit palabas na si Dodong, patuloy pa ring makararanas ng malakas na pag-ulan sa ilang lugar Luzon at Visayas hanggang Linggo, ika-30 ng Hunyo, dahil sa Hanging Habagat.
Facebook/Dost_pagasa

Dodong palabas na ng PAR pero Habagat magdadala ng mga pag-ulan

(Philstar.com) - June 26, 2019 - 2:02pm

MANILA, Philippines — Palabas na ang bagyong  “Dodong” sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), alas-onse ng umaga.

"From now, hanggang sa mamayang hapon ay pa-norte 'yung general direction nito. Kaya't maaaring pagsapit po ng gabi ay nasa may area na ng PAR line ito," sabi ni DOST-Pagasa Weather Specialist Benison Estareja.

Tinatayang nasa 705 kilometro silangan ng Basco, Batanes ang bagyo kanang alas-diyes ng umaga.

 

 

Ngunit kahit palabas na si Dodong, patuloy pa ring makararanas ng malakas na pag-ulan sa ilang lugar Luzon at Visayas hanggang Linggo, ika-30 ng Hunyo, dahil sa Hanging Habagat.

Ayon sa tala ng PAG-ASA, ang silangang bahagi ng Central at Southern Luzon at Visayas ay makararanas ng malakas na pag-ulan hanggang Biyernes, ika-28 ng Hunyo. 

Partikular na makararanas ng pinakamalalakas na pag-ulan ang mga probinsya sa Mindoro, kasama ng bahagyang malalakas na ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Northern Palawan, Aklan at Antique hanggang Sabado.

Pagsapit naman ng Linggo, makararanas pa rin ng malakas na pag-ulan ang Zambales at ilang parte ng Ilocos. 

Ang Tropical Depression Dodong ang unang bagyong pumasok sa PAR ngayong buwan, at humahampas pa rin sa 45 kilometro kada oras ang hanging dala ni Dodong matapos ang dalawang araw nang pumasok ito sa PAR.  — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

DODONG MONSOON RAIN TROPICAL DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with