Voters registration simula na sa Agosto

Aabot sa 2 milyon ang inaasahang mga bagong botante ang magpaparehistro.

MANILA, Philippines — Simula na uli ang voters registration sa Agosto 1 hanggang September 30, 2019.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaari ring magparehistro ng Sabado at holidays.

Aabot sa 2 milyon ang inaasahang mga bagong botante ang magpaparehistro.

Nilinaw din ni Jimenez na hindi naman na kaila­ngan pang magparehistro ng Sangguniang Kabataan voter na  magiging 18 anyos. 

Aniya, automatic na itong malilipat mula SK list sa  regular na listahan ng mga botante.

Apela ni Jimenez, maagang magparehistro upang maiwasan ang mga aberya lalo pa’t dalawang buwan ang itatagal ng registrations.

Show comments