Sara hindi inirekomenda si Romualdez bilang Speaker
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na inendorso niya bilang Speaker ng Kamara si incoming Leyte Rep. Martin Romualdez.

“There is no truth to the claims made by Rep. Prospero Pichay that I “recommended” Rep. Martin Romualdez as Speaker of the House. If I did raise his hand during the HNP rally in Tacloban, I did so because he, just like Rep. Lord Allan Velasco, is supportive of the reform agenda of President Duterte,” wika ni Mayor Sara sa isang statement na ipinadala sa Malacañang reporters.

Nauna rito, nakuha ni Romualdez ang endorso ng presidential daughter nang ipakilala siya bilang “next Speaker” sa ginanap na Hugpong ng Pagbabago (HNP) rally noong Marso sa Tacloban City, ang teritoryo ni Romualdez.

Maging si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay napaulat na “inendorso” rin ni Sara.

Una nang sinabi ni Sara na ang susunod na Speaker ay dapat na “supportive of the President’s reform agenda.”

Maaalala na ang Lakas-CMD party, kung saan si Romualdez ang pinuno, ang umano’y dahilan ng pag-delay ng approval ng 2019 national budget sa House dahil sa mga tinaguriang illegal post-ratification realignments sa budget sa kabila ng aprubado na ito ng Senado sa bicameral conference committee. 

“Cong-elect Alan Peter Cayetano was correct when he said that he did not seek for my endorsement when he came to Davao to talk to me sometime last year. He, however, came with a veiled threat, that if I endorse Rep. Velasco for Speaker, I would break up the “group.” And this, he said, will affect the presidential elections of 2022,” paliwanag pa ng alkalde sa kanyang statement.

Sinasabing hindi sumuporta si Velasco kay Duterte noong tumakbo ito sa pagka presidente noong 2016 elections, at sa halip ay sinuportahan si Grace Poe. Si Poe ang lumabas na No. 1 sa Marinduque sa katatapos lang na eleksyon.

MARTIN ROMUALDEZ SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with