DepEd, handa na sa balik-eskwela

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, sa ngayon ay puspusan ang ginagawang paglilinis sa may 62,000 paaralan sa buong bansa.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagbabalik sa eskwela ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 3.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, sa ngayon ay puspusan ang ginagawang paglilinis sa may 62,000 paaralan sa buong bansa. 

Tinatayang nasa 27.8 milyong mag-aaral ang papasok ngayong School Year 2019-2020.

Mula sa 27,018,509 noong School Year 2018-2019, inaasahang aabot ng 27,817,737 ang estudyante.

Show comments