^

Bansa

Mga botanteng nagluklok ng narco politicians ‘di pa mature - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga botanteng nagluklok ng narco  politicians �di pa mature - DILG
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, posibleng may utang na loob ang mga botante sa mga naturang politiko kaya’t kahit na alam nilang kasama ang mga ito sa narco list ng pamahalaan ay ito pa rin ang ibinoto nila.

MANILA, Philippines — Hindi pa raw mature ang mga botanteng nag­luklok sa mga narco politicians sa nakalipas na midterm election sa bansa.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, posibleng may utang na loob ang mga botante sa mga naturang politiko kaya’t kahit na alam nilang kasama ang mga ito sa narco list ng pamahalaan ay ito pa rin ang ibinoto nila.

Posible rin naman aniyang wala lang talagang pakialam ang botante kung nasa narcolist ang kandidato dahil nabili na ng mga ito ang kanilang mga boto.

Nilinaw naman ni Año na ang pagkapanalo ng mga narco politicians sa eleksiyon ay hindi garantiya na makaliligtas na ang mga ito sa kanilang isasagawang imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nila sa iligal na droga.

Sa 46 politiko na ka­sama sa narcolist na inianunsiyo ni Pa­ngulong Duterte noong Marso, 37 ang tumakbo sa eleksiyon at 27 sa mga ito ang nanalo.

Iginagalang at kiniki­lala naman ni Año ang desis­yon ng mga botante na ihalal sa pwesto ang ilang re-electionists na kasama sa narco list ni Duterte.

Ayon kay Año, nag­­sa­lita na ang mga ma­mamayan noong eleksyon at dapat na igalang at kila­lanin ang naging desisyon nila.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with