Sinabi rin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangang rebyuhin ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata ng Smartmatic matapos na makapagtala ng maraming aberya sa katatapos na midterm elections.
Smartmatic turuan ng leksiyon - Palasyo
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Senate probe sa aberya ikinasa

MANILA, Philippines — Dapat turuan ng leksiyon ang Smartmatic dahil sa dami ng reklamo sa sablay nito sa pagpapatupad ng automated election, ayon sa Malacañang.

Sinabi rin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangang rebyuhin ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata ng Smartmatic matapos na makapagtala ng maraming aberya sa katatapos na midterm elections.

Dapat din umanong maipaliwanag nang maayos ng Smartmatic ang dahilan ng mga aberya sa mga Vote Counting Machines dahil kung hindi ay puwede itong sampahan ng kaso.

Batay sa paliwanag ng ilang IT experts ay malaki talaga ang tiyansa na magloko ang mga VCMs lalo na’t tatlong taon ang nakalipas bago ito ginamit muli.

Iminungkahi naman ni Panelo ang pagkakaroon ng regular testing sa mga VCMs upang masigurong gumagana ito sa oras na muli itong gamitin.

Maraming VCM’s at SD cards ang pumalya sa ginanap na May 13 elections na nagpabalam sa takbo ng eleksyon sa ilang lugar.

Samantala, itinakda sa Hunyo 4 ang imbestigasyon ng Senado sa nangyaring aberya sa katatapos na eleksiyon.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, pang-apat ng automated election ang idinaos sa bansa pero mistulang hindi pa rin natututo ang Comelec.

Nais ding malaman ni Sen. Panfilo Lacson kung bakit bumili ang Comelec ng mahinang kalidad ng mga SD cards na ginamit sa halalan. Aalamin din kung sino ang kumokontrol sa server at kung ano ang silbi ng “transparency server.”

COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with