Meralco handa na sa halalan

Tiniyak ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na lahat ng isyu hinggil sa suplay ng kuryente, gaya ng mga hindi inaasahan at mga hindi naka-iskedyul na shutdown, na maaaring kaharapin nila sa araw ng halalan ay tinugunan at inaksyunan na nila.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Manila Electric Company (Meralco) para sa pagdaraos ng eleksiyon sa Lunes, Mayo 13.

Tiniyak ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na lahat ng isyu hinggil sa suplay ng kuryente, gaya ng mga hindi inaasahan at mga hindi naka-iskedyul na shutdown, na maaaring kaharapin nila sa araw ng halalan ay tinugunan at inaksyunan na nila.

Sa ngayon aniya ay 150 generator sets at 300 floodlights na ang iginayak ng Meralco at nakaantabay sakaling kailanganin ang mga ito sa mga polling at canvassing areas, at iba pang emergency.

Dahil holiday, inaasahan na nilang mas mababa ang demand sa kuryente sa araw ng halalan.

Show comments