Sinabi ni Bello na naka-depende pa rin sa employer kung papayagan ang mga empleyado nitong mag-trabaho sa kani-kanilang mga bahay.
FIle
Batas sa ‘work from home’ bitin - DOLE
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bitin ang Work from Home Law o Telecommuting Act.

Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III dahil hindi mandatory ang nasabing batas.

Sinabi ni Bello na naka-depende pa rin sa employer kung papayagan ang mga empleyado nitong mag-trabaho sa kani-kanilang mga bahay.

Giit ni Bello, kung nagkaroon ng kasunduan ang employer at employee posibleng maaprubahan ito subalit kung tumanggi ang employer hindi ito maisasabatas.

Gayunman, tiwala si Bello na mabubusisi muli ng mga mambabatas ang Telecommuting Act para sundin na ito ng lahat ng employer.

Umaasa si Bello na magiging mandatory ang telecommuting bill na naaayon sa pag-aaral ng Kongreso.

“In other words if the worker says “it’s better I work at home, I will deliver better, it will also provide better working condition for me, I will avoid traffic and additional expenses”, then magiging makabuluhan ang batas na ‘yan,” dagdag ni Bello.

WORK FROM HOME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with