Pinoys sa Libya inalerto

Ayon sa DFA, ina­larma ng Presidential Council ang kanilang security forces sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa South Capital kung saan isa na ang naitalang patay.

MANILA, Philippines — Inalerto kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Libya kasunod ng pagdeklara ng state of emergency dito noong Miyerkules.

Ayon sa DFA, ina­larma ng Presidential Council ang kanilang security forces sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa South Capital kung saan isa na ang naitalang patay.

Nabatid na ang Philippine Embassy sa Tripoli ay agad nagpa­labas ng advisory sa tinatayang 1,000 Pinoy workers na nakabase sa capital at western part ng nasabing bansa na maging kalmado at manatiling mapagmat­yag sa paligid.

Ayon kay DFA Chargé d’Affaires Elmer G. Cato, wala naman napaulat na may mga Pinoy na naapektuhan ng kaguluhan batay na rin sa pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa mga miyembro ng Filipino community doon.

Show comments