Sinibak na mga opisyal kasuhan

Duterte sa Ombudsman

MANILA, Philippines — Personal nang kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Ombudsman para paim­bestigahan ang mga nasibak na opisyal sa gobyerno dahil sa isyu ng korapsyon.

Sinabi ng Pangulo na kapag, natapos na ang imbestigasyon, dapat nang kasuhan ang mga tiwa­ling opisyal ng gobyerno.

Una nang sinibak ni Pangulong Duterte sina da­ting DILG Secretary Mike Sueno, dating Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago, dating CHED chairperson Patricia Licuanan, dating Presidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon dahil sa isyu ng korapsyon.

Show comments