Aniya, hindi na raw ito mangyayari pa sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
File
Usapang pangakapayapaan sa NDFP kanselado na ni Duterte
(Philstar.com) - March 22, 2019 - 2:08pm

MANILA, Philippines — Tinapos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa mga rebeldeng komunista ilang araw matapos i-terminate ang appointment ng mga miyembro ng government peace panel.

Sinabi ni Digong na hindi na siya makukumbinsi na bumalik sa negotiating table kasama ang National Democratic Front, na humaharap para sa mga rebolusyonaryong organisasyon gaya Communist Party of the Philippines at New People's Army.

“I am officially announcing the permanent termination of our talks between the government panel and the Communist Party of the Philippines,” sabi ni Duterte sa ika-122 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio.

(Pormal ko nang inaanunsyo ang permanenteng pagtatapos ng pakikipag-usap ng ating government panel sa Partido Komunista ng Pilipinas.)

Aniya, hindi na raw ito mangyayari pa sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

“I am no longer entertaining any interventions or maybe persuasions in this democratic state of the Republic of the Philippines. My sense is that maybe you can talk to the next president of this republic one day,” dagdag niya.

(Hindi nako tatanggap ng mga panghihimasok o panghihimok sa loob ng demokratikong estado ng Republiko ng Pilipinas. Kausapin niyo na lang siguro yung susunod na presidente ng republika.)

Tinawag niyang "terorista" ang mga komunista sa kanyang talumpati at binira sila sa iligal nilang pagkuha ng mga lupa diumano.

Giit pa ng pangulo, ipagpapatuloy ng gobyerno ang programa sa repormang agraryo para gawing "irrelevant" ang mga rebelyon ng CPP.

“I am telling the communists, you are not the ones who are capable of distributing land,” sabi niya.

(Sinasabi ko na sa mga komunista, hindi kayo ang may kakayahan na magpamahagi ng lupa.)

Babala ng pangulo, ipababaril niya ang mga rebeldeng pwersahang mangungumpiska ng lupain. Naging posible lang daw ang iligal na mga okupasyon ng lupa dahil sa "hindi mahusay" na pamamalakad ng dating agrarian reform Secretary Rafael Mariano, na kaalyado ng Kaliwa.

Nilinaw naman ni presidential spokesperson Salvador anelo na ipagpapatuloy ng administrasyon ang "localized peace talks" para tugunan ang limang dekadang pag-aaklas.

“New panels will be created (Gagawa ng mga panibagong panel),” sabi ni Panelo sa isang press briefing kahapon. Iapapasok daw dito ang ilang kinatawan mula sa iba't ibang sektor, lokal na gobyerno at militar.

Tinapos ng Office of the President ang panunungkulan ni government peace panel Silvestre Bello III at apat na iba pang negosyador nitong ika-18 ng Marso.

Kabahagi pa rin ito ng desisyon ni Duterte na ibasura ang pakikipag-usap simula pa noong 2017. Ginawa raw ito ng pangulo matapos akusahan ang mga rebelde na hindi sinsero bunsod ng mga patuloy na opensiba.

Kinumpirma naman ng Malacañang ang termination letters na magkahiwalay na ipinadala kina Bello at mga miyembro ng panel na sina Antonio Arellano, Angelo Librado-Trinidad, Rene Sarmiento at Hernani Braganza.

Iniutos ng pangulo na isentro ang lahat ng mga opisyal na dokumento, papeles at ari-arian kaugnay ng peace talks sa Office of the Presidential Assistant on the Peace Process.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES PEACE TALKS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with