Alamin: Schedule ng MRT ngayong Semana Santa

Paliwanag nila, gagawin ang pagsasarado ng linya para magbigay daan sa maintenance nito.
File

MANILA, Philippines — Wala munang operasyon ang Manila Metro Rail Transit System Line 3 sa darating na Holy Week.

Ayon sa Department of Transportation MRT-3 nitong Martes, sarado mula ika-15 hanggang ika-21 ng Abril ang 16.9 kilometrong linya na nagsisilbi sa 13 istasyon.

Paliwanag nila, gagawin ang pagsasarado ng linya para magbigay daan sa maintenance nito.

"MRT-3 will have its annual general maintenance shutdown (Holy Week shutdown) from Holy Monday, April 15, to Easter Sunday, April 21," ayon sa Tweet ng DOTr MRT-3 kanina.

Wala pa namang pahayag ang Manila Light Rail Transit System Line 1 at 2 kung magpapatupad sila ng kahalintulad na tigil operasyon sa susunod na buwan.

Show comments