Mayorya ng Pinoy happy sa buhay - SWS

Sa 1,440 respondents na edad 18 pataas na tinanong noong Disyembre 16-19, 87 percent ang nagsabing sila ay “very/fairly happy”.

MANILA, Philippines — Siyam sa 10 Pilipino ang nagsabing masaya sila at kuntento sa buhay base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa 1,440 respondents na edad 18 pataas na tinanong noong Disyembre 16-19, 87 percent ang nagsabing sila ay “very/fairly happy”.

Mas mababa ito ng 7 puntos noong Disyembre 2017 na 94 percent. Nasa 13% naman ang hindi gaanong masaya o unhappy.

Nang tanungin naman kung kuntento sila sa kanilang buhay ay 82 percent ang nagsabing sila ay “very/fairly satisfied”.

Nasa 34 percent ang very satisfied habang 48 percent ang fairly satisfied.

Show comments