Malaking plaka ng motorsiklo batas na

Saklaw ng Republic Act 11235 o “Motorcycle Prevention Act” ang mga tricycle.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Duterte ang ba­tas na gawing mas malaki ang plate number ng mga motorsiklo.

Saklaw ng Republic Act 11235 o “Motorcycle Prevention Act” ang mga tricycle.

Magiging color-co­ded na rin ang registration ng motorcycle para madaling malaman kung saang lalawigan o rehiyon nakarehistro ang motorsiklo kung sakaling nasangkot sa krimen o aksidente.

Layunin ng mas ma­laking plate number sa mga motorsiklo na madaling makita at ma-identify ito dahil may plaka sa harap at likod ng motorsiklo.

Parusang prison correccional o pagkakulong ng anim hanggang 12 taon o multa mula P50,000-P100,00 ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa bagong lagdang batas.

Inaatasan naman ang DILG na matiyak sa lahat ng LGUs na mayroon itong impounding area dahil kasama sa parusa ang pagkumpiska sa motorsiklo o traysikel ng isang violator.

Show comments