Raffy kinontra si Mon Tulfo sa pahayag na ‘tamad’ ang mga Pinoy worker

Sa media interview sa Quezon City, sinabi ni Raffy na hindi alam ng kanyang kuya Mon ang kanyang mga sinasabi at wala umano itong basehan.

MANILA, Philippines — Kinontra ni radio and tv broadcaster Raffy Tulfo ang pahayag ng kapatid na si Ramon Tulfo na “tamad” ang mga Pinoy na construction workers.

Sa media interview sa Quezon City, sinabi ni Raffy na hindi alam ng kanyang kuya Mon ang kanyang mga sinasabi at wala umano itong basehan.

Katunayan anya ay hinahanap o mas preferred ng mga kumpanya sa abroad na kumuha ng mga Pinoy na trabahador dahil matiisin, masipag at masunurin sila. 

Ayon kay Raffy, hindi porke’t magkapatid sila ni Mon ay iisa ang kanilang pananaw sa isyung ito. 

Si Raffy ay kilala na nilalapitan ng mga manggagawa upang hingan ng tulong sa kanilang mga problema sa trabaho.

Si Mon naman ay na-appoint ni Pangulong Duterte bilang special envoy to China.

Anya, walang karapatang magsalita ang kuya niya laban sa mga manggagawang Pinoy kahit na ito’y envoy to China at dapat daw unahin ni Mon ang karapatan ng mga Pilipino at hindi ng mga Tsino.

Show comments