Droga sa dagat pinaiimbestigahan

Robert Ace Barbers

MANILA, Philippines — Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers dapat magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang PNP at PDEA kaugnay sa milyun-milyong pisong halaga ng cocaine na natagpuan sa Dinagat Islands at Siargao.

Hindi anya lingid sa kaalaman na may mga pulitiko mula sa Surigao na sangkot sa illegal drugs operations at mas pinaiigting pa ang aktibidad para magamit sa halalan.

Dahil dito kaya umapela siya kay PNP Chief Oscar Albayalde at PDEA Director General Aaron Aquino na tukuyin agad ang pagkakakilanlan ng mga nagtapon ng cocaine sa dagat, anong barko o bangka ang ginamit at sino ang tatanggap ng kargamento.

Matatandaan na nasa 77 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P500 milyon ang nabingwit sa Dinagat Islands at inanod sa dalampasigan ng Siargao Island.

Show comments