5 Pinoy seaman nawawala

MANILA, Philippines — Nawawala ang limang Pinoy seafarers matapos masunog ang kanilang fishing vessel sa isla ng Falkland Island. 

Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na matatagpuan at ligtas ang limang Pinoy seafarers na kabilang sa 69 crew members ng Taiwanese fishing vessel na nasunog sa naturang isla noong Pebrero 11, 2019.

Nabatid kay Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo, sinisikap ng Philippine Embassy sa London na makakuha ng mga impormasyon kaugnay sa insidente. 

Inihahanda na ng embahada ng Pilipinas ang kaukulang tulong sa mga ito at nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad at sa manning agency ng mga ito. 

Show comments