Umabot sa 95 ang namatay dahil sa bagyong Ompong (international name Mangkhut) ayon sa PNP.
AFP/Ted Aljibe
5 mayor na wala noong 'Ompong' parurusahan
James Relativo (Philstar.com) - January 22, 2019 - 3:08pm

MANILA, Philippines — Haharap sa mga reklamong administratibo ang limang alkalde sa hilagang Luzon dahil wala sa kani-kanilang mga trabaho nang nanalasa ang bagyong Ompong noong Setyembre 2018.

Ito ang nilabas na pahayag nang Department of the Interior and Local Government sa kanilang website ngayong araw matapos magsagawa ng imbestigasyon.

"Despite having knowledge of the impending typhoon and the DILG advisory, said mayors were not in their post during the typhoon. Such act on their part may be considered as dereliction of duty, negligence, or other administrative offense. We have referred their case to the Office of the Ombudsman," sabi ni DILG Assistant Secretary at spokesperson Jonathan Malaya.

Hindi raw sapat at katanggap-tanggap ang mga katwiran ng mga mayor. Posibleng labag daw ito sa mga umiiral na batas, panuntunan, at regulasyon.

Maaaring humarap ang isang elective local official sa disciplinary action, suspensyon, o pagkasibak dahil sa pagpapabaya, dereliction of duty, o misconduct in office ayon sa Local Government Code.

Hindi naman pinangalanan ng DILG ang mga nasabing opisyal.

Samantala, anim na alkalde naman ang makakatanggap ng "written admonition" mula kay DILG Sec. Eduardo Año dahil sa hindi pagpansin sa mga advisory at direktiba ng DILG na humihingi sa kanilang pisikal na pagpapakita tuwing may kalamidad at hindi personal na pangangasiwa sa paglikas, rescue, at relief operations noong ika-14 hanggang 16 ng Setyembre taong 2018.

“Secretary Ano’s directive was very clear. The physical presence of the mayor in his area of responsibility is crucial; his absence adversely affects the operation of the LGU and it is their constituents who suffer,” dagdag ni Malaya.

Pinaalala ng DILG sa mga lokal na opisyal na maaari silang ipatawag kahit kailan.

"That is the essence of public service. This is the reason why they do not have fixed working hours because doing so would limit their service to the public to the prejudice of their constituents,” sabi ng Asec.

Isinangguni na rin ng DILG sa iba't ibang DILG regional offices ang paliwanag ng apat pang alkalde na pag-aaralan pa.

Sinabi ni Malaya, kailangang mapatunayan ng apat na imposible para sa kanila na magpakita noong mga panahon na 'yon. Pare-pareho raw silang mananagot kung hindi sapat ang kanilang alibi.

Naglabas ng show cause order ang DILG noong Setyembre laban sa 16 mayor mula sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region na "missing in action" nang rumagasa ang bagyong Ompong.

Bago pa ang sama ng panahon ay inatasan na ni Sec. Año ang mga mayor na manatili sa kani-kanilang lugar para masiguro ang "zero casualty" at pagtugon ng mga lokal na gobyerno.

Isa lang ang 'excused'

Mula sa 16 na alkalde, isa lang sa mga hindi nagpakitang mayor ang may katanggap-tanggap na dahilan ayon sa tagapagsalita ng DILG.

“While the mayor had to attend a Sandiganbayan Court Hearing in Quezon City on September 13, 2018, an equally urgent matter, he nevertheless managed to return immediately to his area of responsibility,” sabi ni Malaya.

Nagbigay daw ang naturang mayor ng mga utos sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers bago magpunta ng Sandiganbayan. Nakabalik naman siya sa kanilang bayan sa pagdating ng bagyo at agad na ipinatawag ang MDRRMC.

Ilan sa mga idinahilan ng mga nakastiguhang mayor ay ang sumusunod: training workshop sa Baguio, LMP meeting sa Davao, pagpunta sa mga aktibidad ng NEDA at DA sa Maynila, pulong sa Malacañang, at iba pa.

Ayon kay malaya, hindi porke inimbitahan sila sa mga pagpupulong ay utos na itong 'di maaaring maliin.

“They should have prioritized the welfare of their constituents. That’s the reason why we cannot accept such an explanation."

CAGAYAN CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION DILG MAYORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with