Nagpapa-5-6 ‘patayin’ ko - Digong

Ayon sa Pangulo, ang mga loan sharks na ito na nagpapautang ng 5-6 ay inilulubog sa utang ang kanilang pinapautang dahil bukod sa tubong 20 percent ay nagbebenta rin ang mga ito ng mga appliances.

MANILA, Philippines — Pinagbantaan ni Pangulong Duterte na ‘papatayin’ ang mga tinatawag na ‘loan shark’ na sobrang magpatubo sa kanilang pagpapautang.

Ayon sa Pangulo, ang mga loan sharks na ito na nagpapautang ng 5-6 ay inilulubog sa utang ang kanilang pinapautang dahil bukod sa tubong 20 percent ay nagbebenta rin ang mga ito ng mga appliances.

“Itong mga 5-6 kasi sa Davao magpautang. Pagkatapos ‘pag mag-utang ka ng pera, pautangin ka pa ng kama, TV set. So dagdagan nila so you are in perpetual bondage,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“Sabi ko sa kanila doon, you better stop it. Kung magpahingi ka ‘yung mucho derecho ‘yung the adopted method of lending the money and getting back the payment. “Pero kung dagdagan ninyo ng ganun, p— ina papatayin ko kayo,” giit pa ng Pa­ngulo.

Nauna rito, nagbanta rin ang Pangulo sa mga dayuhang nagbi­bigay ng 5-6 loan na ipapaaresto niya ang mga ito at pababalikin sa kanilang bansa.

Karamihan sa mga dayuhang nagbibigay ng 5-6 ay mga Bombay.

Show comments