Pagpapatupad ng free college magandang parangal kay Rizal
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mahusay na pagpapatupad ng ating batas sa libreng kolehiyo ang pinakamakahulugang parangal kay Gat Jose Rizal, ayon kay Sen. Bam Aquino.

Sa totoo lang umano, ang isa sa mga naunang nangarap ng abot-kayang edukasyon tulad ng libreng kolehiyo para sa mga kabataang Pilipino ay si Jose Rizal.

“Kalidad na edukasyon para mga Pilipino ang pangarap ni Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere,” wika ni Aquino.

Mismong ang pambansang bayani rin umano ang nagsabi ng talinghagang “paaralan ay siyang aklat na kinasusulatan ng hinaharap ng mga bayan. Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng isang bayan at sasabihin namin sa inyo kung ano ang bayang iyan.”

Ang pangarap ni Rizal dati ay nagkakatotoo na, ayon sa senador. At sa araw ni Gat Jose Rizal, hinikayat nito ng sambayanang Filipino na bigyang buhay ang diwa ng pambansang bayani sa pagtiyak na kahit kapos ay makapagtatapos.

BAM AQUINO JOSE RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with