Revilla naniniwalang lulusot din siya sa kasong graft

Magugunitang ba­ga­ma’t naabswelto na siya sa kasong plunder kamakailan, may 16 counts pang graft charges na kinakaharap ni Revilla sa Sandiganbayan kaugnay sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naniniwala si da­ting Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na mapapa­walang-sala rin siya sa mga kasong graft na kinakaharap din sa Sandiganbayan.

Magugunitang ba­ga­ma’t naabswelto na siya sa kasong plunder kamakailan, may 16 counts pang graft charges na kinakaharap ni Revilla sa Sandiganbayan kaugnay sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund.

Sinabi pa ni Revilla, matapos mapawalang-sala sa kasong plunder na malakas ang loob niyang maaabswelto rin siya sa natitirang mga kaso.

Ayon kay Revilla, ipi­nauubaya na niya ito sa kanyang mga abugado at umaasang kakatigan din siya ng mga mahistrado.

Related video:

Show comments