Imelda nagpiyansa na

Ito ay habang inaapela pa niya ang hatol ng Sandiganbayan kaugnay sa kanyang 7 counts na kasong graft.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbayad na ng P300,000 piyansa at iba pang legal fees si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ito ay habang inaapela pa niya ang hatol ng Sandiganbayan kaugnay sa kanyang 7 counts na kasong graft.

Kasabay nito, muling naghain ng notice of appeal ang abogado ni Marcos para mailipat ang record ng kanyang kaso.

Nais ng kongresista na iapela na lamang sa Korte Suprema ang naging desisyon ng Sandiganbayan na guilty verdict para sa kasong graft niya.

Matatandaan na anim hanggang 10 taon na pagka- bilanggo ang naging hatol ng Sandiganbayan sa bawat bilang ng pitong kasong graft dahil sa pagtatag ng Swiss foundation noong siya pa ang Metro Manila Governor.

Show comments