P1-B Ultra lotto jackpot winner namudmod ng balato

Nasa P472 million ang nakuha ng masuwerteng mananaya mula sa P1.18-billion Ultra Lotto jackpot noong October 14.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Namigay ng balato sa mga katrabaho at kabara­ngay niya ang Ultra Lotto jackpot winner sa Borongan, Eastern Samar.

Nasa P472 million ang nakuha ng masuwerteng mananaya mula sa P1.18-billion Ultra Lotto jackpot noong October 14. 

Nabatid na naglaan ng P4.8 milyon ang naturang winner na kanyang ibinigay sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa city hall o tig-P5,000 bawat isa.

Maging ang mga tricycle driver sa kanilang lugar ay naambunan din ng biyaya.

Sa Lunes ay ipapamahagi naman ng masuwerteng winner ang tig-P5,000 sa kanyang mga kapitbahay sa kanilang barangay.

Show comments