Tanggal lisensiya sa rice retailers na walang SRP

Ito ayon sa National Food Authority (NFA) ang itinakdang parusa ng Department of Agriculture (DA) sa lahat ng retailers na lalabag sa SRP.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aalisan ng lisensiya ang sinumang rice retailers na hindi maglalagay ng suggested retail price (SRP) sa kanilang mga panindang bigas.

Ito ayon sa National Food Authority (NFA) ang itinakdang parusa ng Department of Agriculture (DA) sa lahat ng retailers na lalabag sa SRP.

“Ang mahuhuling magtitingi ng butil na lumalabag sa SRP ay mawawalan ng lisensiya. Kapag nawala ang kanilang lisensiya na magtinda ng butil ay mako-close ang kanilang tindahan,” pahayag ni NFA spokesperson Jerry Imperial.

Anya, bukod sa tanggal lisensiya, maaari ring makulong at magmulta ang mga lalabag sa SRP.

Sabi ni Imperial, ang SRPs para sa local regular milled at imported well milled rice ay umaabot lamang sa P39 per kilo at ang local well milled rice SRP ay P44 per kilo.

Ang imported premium grade rice ay mula P40 hanggang P43 per kilo at ang SRP ng  premium grade rice ay  P47 per kilo. Ang special rice ay exemp­ted sa SRP.

Inanunsyo rin ni Imperial na ang SRP sa bigas ay opisyal ng pumapaloob sa lahat ng lalawigan.

Ang SRP sa Metro Manila ay unang inilunsad noong October 27.

Show comments