Ruling sa Trillanes case iaakyat sa CA – Malacañang

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakausap niya si Solicitor-General Jose Ca­lida at siniguro sa kanyang aapela sila sa CA sa halip na magharap ng motion for reconsideration sa sala ni Judge Andres Soriano ng Makati-RTC branch 148.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na iaakyat sa Court of Appeals ang naging desisyon ng Makati Regional Trial Court na nagbasura sa mosyon ng DOJ para sa arrest warrant at Hold Departure Order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakausap niya si Solicitor-General Jose Ca­lida at siniguro sa kanyang aapela sila sa CA sa halip na magharap ng motion for reconsideration sa sala ni Judge Andres Soriano ng Makati-RTC branch 148.

Pero nilinaw din kahapon ni Justice Sec. Menardo Guevarra, ang DOJ ang magdedesisyon kung ano ang gagawin nilang susunod na legal step.

Sinabi naman ni Pa­nelo na hindi pa dapat magbunyi si Trillanes dahil ang ibinasura lang naman ay ang pag-isyu ng warrant.

Kaya naniniwala si Panelo na hindi dapat magdiwang ang kampo ni Trillanes dahil sa na­ging desisyong ito ng korte dahil kinatigan din ng hukuman na legal ang ginawang Proclamation 572 ni Pangulong Duterte na nagdedeklarang void ang amnesty na ibinigay kay Trillanes mula sa simula.

Inilutang din ni Panelo kahapon ang posibilidad na mag-reconvene ang court martial upang dinggin ang kaso ni Trillanes.

Show comments