DQ case binalewala ni Pimentel

Nanindigan si Pimentel na maari pa rin siyang kumandidato taliwas sa sinasabi ni Topacio.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binalewala kahapon ni Sen. Koko Pimentel ang inihaing disqualification case laban sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio sa Commission on Elections (Comelec).

Nanindigan si Pimentel na maari pa rin siyang kumandidato taliwas sa sinasabi ni Topacio.

Pero welcome kay Pimentel ang inihaing disqualification ni Topacio dahil magiging daan aniya ito para maging malinaw ang isyu tungkol sa kanyang reelection.

Itinanggi rin ni Pimentel na hindi niya kinonsulta si Topacio tungkol sa isyung legal tungkol sa kanyang reeleksiyon.

Inisa-isa rin ni Pimentel ang mga nakaaway ni Topacio na kinabibila­ngan nina dating Presidential Management Staff Undersecretary Karen Jimeno, dating Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, radio host Mo Twister, at Inquirer columnist Mon Tulfo.

Nanindigan si Pimentel na maaari siyang kumandidato sa darating na May 2019 kahit pa dalawang termino na ang natapos niya sa Senado dahil hindi naman nito nakumpleto ang anim na taon sa unang termino ng kanyang panunungkulan.

Show comments